News & Updates

STATE OF CALAMITY IDINEKLARA NA SA LUNGSOD NG NAGA

Bombo Radyo   Tuesday, December 27 2016

NAGA CITY- Isinailim na sa state of calamity ang lungsod ng Naga kaugnay ng pananalasa ni bagyong Nina.

Alas-dos ng hapon kahapon ng ideklara ng Sangguniang Panglungsod ang state of Calamity sa nasabing lugar.

Ayon naman kay Allen Reondanga, chief of office ng City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO), sinabi nito na ang deklarasyon batay sa naitalang pinsala na dinala ng naturang bagyo sa lungsod.

Aniya, labis ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura, mga ari-arian at maging sa sektor ng agrikultura sa lugar.

Sa pagdedeklara ng state of calamity, maaari ng magamit ang calamity fund ng lungsod.

Nakatakda naman na ilunsad ang “Bangon Naga” na isang programa at panawagan ng lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang pagbangon ng lungsod sa pananalasa ni bagyong Nina.

Samantala, ayon kay Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, na suspendido na ang pasok sa provincial capitol ng lalawigan upang bigyan ng konsiderasyon ang mga empleyado na naapektuhan ng pagtama ni bagyong Nina sa lalawigan.

Binigyang diin naman ng opisyal na exempted sa nasabing direktiba ang mga miyembro ng disaster risk management, emergency response, relief operations, at medical service.

 





RECENT NEWS

In Upland Naga: 90 Trees Saved From Road-widening Project
NAGA CITY — Ninety trees situated along the Carolina-Panicuason road in this city will no longer be cut in connection with a road-widening proje. . .
Gerald O. Enguero / Bicol Mail |  Thursday, July 18 2013


Naga’s new Sangguniang Panlungsod vows faster, more pro-poor ordinances
NAGA CITY -- With a new Sangguniang Panlungsod office as well as a new set of legislators, the 11th Sangguniang Panlungsod of Naga under its ne. . .
Paul John F. Barrosa |  Tuesday, July 02 2013


Sanggunian gets new hall, equipment
NAGA CITY (2 July) – For the members of the 11th Sangguniang Panlungsod of Naga, a fresh mandate also comes with a fresh coat of paint. . . .
Gerald O. Enguero |  Tuesday, July 02 2013


First - Previous 35 of 35 - Last

PEOPLE'S CORNER


Are You in Favor of Erecting a Statue of Gat Andres Bonifacio in Naga City?

No (12.50%)
Yes (87.50%)
Cast Your Vote

COMMITTEE HEARING


Documents of Deca Homes
Chairperson:  Hon. Ray-An Cydrick G. Rentoy
February 22, 2016 at 1:00 PM


Renewal of Authority to Operate Bingo at SM and ALDP
Chairperson:  Hon. Ray-An Cydrick G. Rentoy
February 10, 2016 at 10:00 AM


Brgy. Ordinance on Improvement of San Francisco Food Stalls
Chairperson:  Hon. Ray-An Cydrick G. Rentoy
February 10, 2016 at 8:00 AM


More..


Facebook Updates